
Thanks to the following: kozuesan, kewl_aaron, j_815, koreanoveladik, asul_03, Schatz_75, draconix, pretty_eena(GeLo Thread), felli, mitchiebee, Uno_2, apryl me of Pinoy Exchange.
Here are some of my favorites, the rest can be found here
"Hindi sa Tala sa Langit, kundi sa Buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit." - Noah & Lyka (Piolo & Angel)
"Kung sakali mang mawala ako bukas, gusto ko lang malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko... kasi nakasama kita.. nakilala kita... at minahal kita" - Lyka
"Noah, kung wala ka rin naman sa buhay ko, anong pinagkaiba ng mundong 'to dun sa dilim na pinanggalingan ko." - Lyka
“ If you stand your ground, nobody can push you around.” - Lady Elle (Pilar Pilapil)
"Sorry is noble, but weak!"- Lady Elle
"There are no victims in this world, just people who are willing to be victimized…" – Lady Elle
"Minsan, kahit mahal mo, nasasaktan mo pa rin. Minsan nga, lalo mong mahal, mas lalo mong nasasaktan…" – Gen. Cristobal (Dante Rivero)
"'Di ako aasa, para ‘di ako masaktan…" - Lyka
"Ipinapangako ko, na sasaktan ko muna ang sarili ko, bago kita masaktan muli." - Noah
"Ang hirap kasi sa ‘yo, lagi mong siniset-up ang sarili mo para masaktan ka. Hanap ka ng hanap ng taong magmamahal sa ‘yo, tapos ‘pag ‘di mo nakuha ‘yun, iniisip mo mag-iisa ka. Kaya gagawin mo lahat, kahit sinasaktan mo na ang sarili mo." – Choi (Janus del Prado)
"Kung may isang milyon lang ako, at pwede ko bilhin ‘yang pagmamahal na nararamdaman mo, binili ko na." – Choi
"Dapat ‘wag kang malungkot, dapat maging masaya ka, isipin mo ang swerte-swerte mo, dahil minsan sa buhay mo, naranasan mo nang magmahal ng totoo at lubos, kahit hindi nasusuklian, ‘di ba? Dapat doon pa lang, masaya ka na. " – Choi
"Alam mo, kahit tumanda ka pa, at umabot ka pa ng 80 anyos, hinding-hindi ka mag-iisa, kasi walang taong nag-iisa sa mundo." – Choi
"Hinding-hindi ko hahayaan ang mawala ulit ang ngiti sa mukha ng taong minamahal ko." - Alec (Geoff Eigenmann)
"Alam mo Gaby, kung ganyan ang paniniwala mo, hindi ka dapat nasasaktan ng ganito. Hindi mo ginawa, hindi mo titiisin yung lahat. Malapit ka lang dun sa taong mahal mo. Ilang beses na ba ko nawalan ng mahal sa buhay, Gaby? Pero natatagpuan ko rin. At dun ko narealize yung pagmamahal, na sinusubok talaga ito ng panahon, ng distansya, at ng tadhana. At para pag natagpuan mo na, wala ng papantay pa, wala ka ng kasing saya pa." -- Lyka
"This is your time to shine. Kaya mo ito. You can do this. Kapag hindi mo nagawa ito. Goodbye, world. Goodbye, Philippines." - Elton (Gio Alvarez) Gio was so good in this role. Its a gay role but it doesnt look fake or forced. He was very funny.
Another noteworthy actress here is Dimples Romana. She was really good.
No comments:
Post a Comment